Kapag holiday season, ang bilis maging busy at festive ng lahat. Bago tuluyang mapuno ng celebrations ang schedule mo, maglaan muna ng sandali para gawin ang iilang bagay na talagang makakatulong sa iyo at sa mga mahal mo sa buhay. Here’s where to start.
Update your beneficiaries
Mukhang maliit na bagay lang ito, pero mas importante ito kaysa sa iniisip ng marami. Nagbabago ang buhay -- may marriages, births, separations, o loss. Dapat updated ang beneficiary designations mo ayon sa current situation mo, hindi sa kung nasaan ka five years ago noong una kang kumuha ng policy. I-check ang policy mo at maglaan ng five minutes para i-review ito. Kung may kailangang i-update, gawin na habang nasa isip mo pa.
I-schedule na ang mga health check
October is Breast Cancer Awareness Month. Isang timely reminder ito na ang preventive health checks ay hindi lang para kapag may nararamdaman nang mali. Early detection saves lives. Kaya mas magandang i-book na ang appointment bago mapuno ng holiday plans ang schedule mo. General check-up man, mammogram, o blood panel na matagal mo nang dini-delay, ilagay na ito sa calendar this week.
Tingnan ang laman ng iyong emergency fund
Huwag ang emergency fund na plano mo pa lang buuin ang tingnan. I-review kung ano talaga ang meron ka ngayon. Kung magkaroon ng major health setback bukas — hospitalization, diagnosis, o unexpected procedure — financially ready ka ba nang hindi naaapektuhan ang iba mong priorities? Three to six months of living expenses ang standard benchmark. Kung malayo ka pa doon, magandang gamitin ang last quarter of the year para unti-unting punan ang gap.
I-review kung okay pa ang protection plan mo
Iba na ba ang buhay mo kumpara noong isang taon dahil may new dependents, career change, bagong mortgage, o lumalaki ang family? Dapat nakakasabay din ang protection plan mo sa mga pagbabagong ito. I-review kung ano ang meron ka ngayon. Relevant pa ba ang coverage amounts? May mga bagay ba na matagal mo nang gustong i-address? Mas valuable ang conversation with your bancassurance sales executive ngayon kaysa magmadaling mag-ayos kapag kailangan mo na talaga ang protection.
The bottom line
Ang year-end ay hindi lang tungkol sa pagtatapos ng mga bagay. Isa rin itong magandang panahon para siguraduhing naaalagaan ang mga bagay na pinakamahalaga para sa’yo. Ang health, finances at future ng family mo ay hindi nagho-holiday. Siguraduhin na ang plans mo ay ready rin all year round.
Ang impormasyong ito ay pangkalahatan lamang at hindi dapat ituring bilang financial, medical, health, nutritional, o iba pang uri ng professional advice. Kumunsulta sa iyong bancassurance sales executive, o medical o health practicioner, batay sa iyong personal na sitwasyon.