Kapag umuulan, madalas biglang nagbabago ang mga plano. Pero imbes na mag-adjust ng last minute, bakit hindi maghanda nang mas maaga? Kumuha ng isang garapon o kahon at papiliin ang bawat miyembro ng pamilya ng isang activity na gusto nilang gawin kapag maulan. Isulat ito sa papel at ihulog sa loob. Habang ginagawa ninyo ito, may instant family activity na kayo, at may ready-made list pa kayo ng mga pwedeng gawin sa susunod pang rainy day. Narito ang ilang ideas para simulan ito.
For the kids and their big imaginations
Hindi ba makapaglaro sa park ang mga bata? Gumawa na lang ng blanket fort gamit ang unan, lumang kumot o bedsheet, at ilang fairy lights. Simple lang, pero kapag may snacks at kwentuhan sa loob, siguradong magiging adventure ang buong hapon.
For the teens who need a reason to put the phone down
Mag-organize ng mini tournament sa bahay. Puwedeng board games, card games, o kahit thumb wrestling. Ang mananalo ang pipili ng susunod na activity mula sa activity jar.
For the ladies running the household
Isama ang buong pamilya sa grocery challenge ng mga rainy day essentials kung saan bawat isa ay may naka-assign na shopping list at budget. Ang pinakamaraming mabibili nang hindi lumalagpas sa budget ang panalo!
Kung madalas bahain ang lugar ninyo, gawing family game ang paglalagay ng importanteng documents sa waterproof bags at paghahanda ng kanya-kanyang personal emergency go-bags. Ang pinakamabilis matapos ay may premyo!
For the men of the house
Bigyan sila ng sariling rainy season challenge. Ipa-check ang flashlights, power banks, generator, o kotse. Siguraduhing puno ang tangke, maayos ang wipers at gulong, at handa kung sakaling magkaroon ng baha. Make the boys map out possible evacuation routes. May points and matching perks ang bawat task na makukumpleto.
For grandparents
Masarap bang magluto si lolo o si lola? Lambingin sila para mag kitchen takeover at magluto ng mga paboritong family dishes na pwedeng ituro sa mga apo. Masarap na bonding na, naipapasa pa ang mga espesyal na family recipes for generations to come.
For the whole fam
Gather everyone around. Isulat ang mga pangalan ng lahat at ilagay sa isang box. Ask each one to pick a name from the box. Bigyan sila ng papel at ballpen, at magpagawa ng sulat para sa taong nabunot nila. Make them drop the letters in the box. Ask them to write a second letter, pero this time, para sa future selves nila. Drop the letters in another box. Magtakda ng araw kung kailan bubuksan ang mga sulat. Isang simpleng activity na pwedeng maging memorable sa paglipas ng panahon.
Paulit-ulit mang maka-antala ng plano ang ulan, pwede din itong maging daan upang makapag bonding at maging masaya ang pamilya. Dagdagan lang nang dagdagan ang laman ng inyong activity jar. Who knows, pwede ninyong gawing all-weather family tradition ito na worth keeping.
This is general information only and is not intended as financial, medical, health, nutritional or other advice. You should obtain professional advice from a bancassurance sales executive, or medical or health practitioner in relation to your own personal circumstances.