Sa gitna ng maagang alarms, sunod-sunod na meetings, school runs, at walang katapusang weekend errands, minsan hindi na napapansin na sobang bigat na pala ng araw ng mga tatay atin. Kung may kilala kang dad na ang version ng self-care ay “matutulog na lang ako kapag hindi na busy,” then this one's for him. Dahil ang bawat ama na marunong mag-alaga ng sarili nya - at nang mga taong mahal niya - gets to enjoy more of life's good moments ahead.
Pakinggan mo ang katawan mo.
Yung stiff neck na hindi matanggal-tanggal, headache na pabalik-balik, at pagiging iritable pagdating ng gabi - senyales na 'yan na matagal ka nang hindi nakakapagpahinga nang maayos. Hindi kailangang major agad ang changes. Sleep 30 minutes earlier. Lumabas sandali for a quick walk. Magbook ka nang 1-hr massage. Small resets still count.
Galaw-galaw din kahit feeling mo, wala kang time.
Maraming dads ang hindi na nakakapag-exercise kasi feeling nila kailangan full workout talaga. Pero kahit 15 minutes lang, malaking bagay na. Mag-stairs instead of elevator. Do stretches habang nagtitimpla ng kape. Lakad pa ng extra block while walking your dog. Movement doesn't need to be perfect. Ang importante gumagalaw ka.
Sulitin ang bawat weekend.
Nasa bahay ka nga pero fully present ka ba talaga? More often than not , nadadala ang trabaho sa bahay, pero meaningful downtime doesn't have to be expensive or planned. Try something simple with the family tulad ng pag-try ng new recipe, pag-host ng board game night, or kahit simpleng kwentuhan lang nang walang gadgets. Kapag present ka talaga, mas sulit ang pahinga.
Ok lang humingi ng tulong 'pag 'di na kaya.
Hindi mo kailangang akuin lahat mag-isa. Mag-delegate. Magsabi kapag pagod ka na. Let people help. Even small responsibilities na binibigay sa kids can help lighten the load, habang tinuturuan din silang maging responsable.
Wag kalimutan ang mga kaibigan.
Kapag sobrang busy na ang buhay, friendships ang unang napapabayaan. Pero malaking bagay pa rin ang may support system para manatiling ok sa buhay. Sometimes, this means a solo bike ride with the guys or a beach trip kasama ang mga bata. Making time for your people helps you feel more grounded again.
Alagaan ang sarili.
Kapag ubos na ubos ka na, mas mahirap magbigay para sa iba. Kaya ituloy mo na ang check-up na ilang beses nang napo-postpone. Kumain nang mas maayos. Matulog nang tama. One of the best things you can do for your family is to stay healthy, present, and able to enjoy life with them, ngayon at sa mga susunod pang taon.
Disclaimer:
Ang impormasyong ito ay pangkalahatan lamang at hindi dapat ituring bilang financial, medical, health, nutritional, o iba pang uri ng professional advice. Kumunsulta sa iyong bancassurance sales executive, o medical o health practitioner, batay sa iyong personal na sitwasyon.