Madalas nating isipin na ang malalaking pagbabago sa buhay ay buhat ng malalaking desisyon. Pero kadalasan, resulta talaga ito ng maliliit na choices na paulit-ulit nating ginagawa araw-araw.
Ang mga habits na binubuo mo ngayon ay makatutulong para magkaroon ka ng mas healthy at mas secure na future. Basahin ang aming quick checklist at tingnan kung alin dito ang ginagawa mo na at alin pa ang gusto mong simulan.
Mag-ipon muna gumastos. Ugaliing magtabi ng pera para sa savings bago gastusin ang natitira. Kung kaya, i-automate ang iyong pag-iipon para tuloy-tuloy itong lumago nang hindi mo masyadong iniisip.
Maging mas intentional sa food choices mo. Hindi mo kailangang sumunod sa mahigpit na diet. Mas pagtuunan lang ng pansin ang pagkain ng mas maraming whole or real foods, bawasan ang walang isip na pag-snack, at maging mas maging mapanuri sa laman ng plato mo.
Alagaan ang kalusugan. Huwag hintaying may nararamdaman ka na bago magpatingin sa doktor. Ang regular checkups at preventive care ay makakatulong para maiwasan ang mas malalaking health concerns na pwedeng dumating in the future.
Humanap ng paraan para manatiling active. Hindi naman kailangang magtagal ng ilang oras sa gym para makapag-exercise. Ang paglalakad, pagsasayaw, paglalaro ng sports, o kahit paggawa ng household chores ay malaking tulong to keep active. Ang mahalaga ay tuloy-tuloy kang gumagalaw throughout the day.
Maglaan ng oras para sa sarili. Hobby man ito, pag-aaral ng bagong skill, o simpleng weekend routine, bigyang oras ang mga activities kung saan mas nakakapag-recharge or enjoy ka sa buhay.
Magpakita para sa mga taong mahalaga sa'yo. Isang mabilis na tawag, sabay na pagkain, o simpleng pagiging present kapag kasama ang mahal sa buhay ay malaki na ang epekto. Ang maliliit na pagpapakita ng malasakit ay nakatutulong para mapanatiling matatag ang mga relasyon.
Simulan ang pag-plano ng retirement. Maaaring parang malayo pa ang retirement, pero kapag mas maaga kang naghanda, mas marami kang retirement options pagdating ng panahon.
Alamin kung saan napupunta ang pera mo. Ang monthly review ng iyong finances ay malaking tulong para manatili kang on track sa budget, maiwasan ang mga hindi inaasahang gastos, at makagawa ng mas magagandang financial decisions.
Magpa-insure nang mas maaga kaysa maghintay. Ang life insurance ay isa sa pinakamadaling paraan para maprotektahan ang iyong kinabukasan at ang mga taong umaasa sa'yo. Maliit na hakbang ito ngayon na maaaring magkaroon ng malaking epekto bukas.
Hindi kailangang maging komplikado ang bawat magandang habit. Sa paglipas ng panahon, ang maliliit na hakbang na ito ay maaaring magdulot ng mas makabuluhang resulta, na tutulong sa iyong mabuo, maprotektahan, at ma-enjoy ang buhay na pinaghirapan mong itaguyod.
Ang impormasyong ito ay pangkalahatan lamang at hindi dapat ituring bilang financial, medical, health, nutritional, o iba pang uri ng professional advice. Kumunsulta sa iyong bancassurance sales executive, o medical o health practicioner, batay sa iyong personal na sitwasyon.