Minsan, nakakalimutan nating kamustahin ang mga importante ngunit hindi napapansing bahagi ng buhay. Kung hindi tayo magpapahinga, makakaligtaan natin ang mga posibleng balakid sa ating buhay. Para ganap na maging healthy, dapat siguraduhing malaya tayo sa anumang unhealthy patterns o uncertainties. Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, gamitin natin ito bilang reminder sa mga bagay na gusto nating ma-achieve sa buhay.
Social Independence. Isa sa mga dapat tandaan na aspeto ng social independence ay ang pagkakaroon ng acceptance at self-will. Hindi kailangang sumunod sa uso, ang importante na pag-isipan ng mabuti ang gagawin at sasabihin.
Health Independence. Nagkakaroon tayo ng health independence sa tuwing inaalagaan natin ang sarili para makaiwas sa sakit at mamuhay nang mainam. Maari mo itong simulan sa pamamagitan ng pagkain ng mas maraming gulay at prutas para sa fiber, mas madalas na paglalakad, o pagsisimula ng journal upang lubos na maalagaan ang kalusugan, physical pati na emotional.
Emotional Independence. Hindi dapat reliant ang ating kaligayahan sa tao o bagay, ito ay rooted sa ating pinipili sa araw-araw. May mga bagay na wala sa ating kontrol. Pero, ika nga ni Jimmy Dean, “We can’t control the wind but we can adjust the sails.” Hindi nahuhulaan ang magiging reaksyon o sasabihin ng ibang tao, pero pwede mo pa ring piliin ang response na nakabubuti sayo nang hindi ka maapektuhan negatively.
Professional Independence. Mainam na may plano sa kung anong nais makamit sa napiling larangan, ngayon at sa hinaharap. Tandaan na lahat tayo ay magkakaiba; hindi kailangang sabayan ang mga pagbabago sa buhay ng ibang tao. Sa huli, sapat na alam mo ang iyong layunin at patutunguhan sa buhay. Bahagi rin ng iyong paglalakbay ang minsang pagpapahinga, ito ay katibayan na malayo na ang narating ng iyong patuloy na pagpupursige.
Kapag na-identify ang mga posibleng maging balakid sa iyong pag-unlad, nagbibigay daan ito para sa mas malalim na pagkilala sa sarili at higit sa lahat, self-growth.
Get our newsletter
Sign up to get weekly financial tips to grow your wealth.